Monday, April 12, 2010

Ang dami ng nagmomotor noh?


Ikaw ba ay laman ng lansangan? Nakikipag patintero ka ba sa mga humahataw na sasakyan? O alagang alaga ka ba ng iyong di-aircon na sasakyan with matching drayber pa?, kung alin ka man sa mga nabangit ko, im sure napansin mo rin na dumadami na talaga ang mga nag momotor sa lansangan ngayon (riders kung silay tawagin). Pero bakit kaya naging laganap ng ang mga nagmomotor ngayon sa lansangan? Dahil mura eto? Maporma ba? Madaling makakuha? Mabilis at hinde na tatrapik? Cool ba silang tignan? Chick magnet ba? Madaming pedeng dahilan, pero hango sa masusi kong pananaliksik at pagtatanung tanung sa mga riders sa lansangan, ay eto ang mga impormasyong nakuha ko kung bakit dumadami ang mga… “RIDERS”.

• Mas mura kesa mamasahe o magdala ng chikot ( wag lang kalimutang tanggalin ang mala-higanteng kulangot na namuo sa iyong nose pagdating mo sa destination mo)
• Mas mabilis at walang trapik (siguraduhin lang na insured ka)
• May rason para mag-jacket ng mapoporma. (hinde lang pamporma eto, proteksyon eto sa init ng araw at mga mala buhanging lumilipad sa kalsada when your on high speed)
• Mas mura ang parking fees at mura maintenance
• Mataas na ang cost of living at eto ay alternatibong paraan ng pagtitipid.
• Yung iba naman ay talagang naka hiligan lang ang pag momotor despite their status in life, passion ika nga.

Alin man dito ang dahilan at nagmomotor ka, ingat ingat lang at sana wag abusuhin ang limit ng katawan at motor, lahat tayo ay nakikigamit lang ng lansangan, respetohin ang isat-isa at wag maging pasaway kung ayaw mong kumalat at maging topic sa tv patrol. Kaw rin, hinde cool ang mavideo ng nakahandusay sa kalsada at patay, wa poise yun chiong! Jahe sa friends mo…

The Car Hunt...


Not so long ago, A close friend and I went car hunting (during office hours to ah), nagpatulong kasi akong maghanap ng mura at economical na kotse. There we experience different types of salesperson, unsurprisingly, Different egos for different car brands, kumbaga, may pang masa at may pang cono approach. First we visited the showroom of CHERRY cars, yes yung gawang tsina, pinaka mura kasi, pedeng bilhin agad agad at hinde ka mamumulubi, entry level model nila is from 319k, 349K at 379k! Wow! Mura diba, so eto kami, usisa sa kotse, with the help of a very accomodating manong salesperson. “eto ba standard features nya, pati stereo, aircon etc?” Salesperson:”naku cd stereo ho ang standard nyan,” “e baket cassette type lang itong nakalagay?” “yan ho kasi ang dumadating, pero papalitan ng CD type yan pag bili nyo” “so, anong mangyayari sa lumang cassette stereo?” medyo natigilan si manong, hinde nya ata expected na napunta sa car stereo ang focus namin, at maliksing sumagot si manong salesperson. “ibibigay ho namin sa inyo as souvenir” nye!!!. Napunta kami sa likod ng kotse, “ok din ang interior nito ah, maluwag ba sa limang tao?” “aba oho, malaki legroom kahit punuan”… “sige nga sakyan natin, kaso tatlo lang tayo, pede bang pakitawag yung guard at isang saleman para kumpleto tayong lima?” after a few seconds, lima kaming nakaupo sa loob ng CHERRY QQ, kahit ata patamblingin naming si manong ay talagang tatambling e, pero infairnes, ang ganda ng CHERRY QQ, cute sya, European design and economical, So umalis na kami ng CHERRY showroom na may bagong mga kaibigan, habang pasakay kami sa kotse sa parking lot ay nakangite silang lahat na kumakaway sa pinto ng showroom. Saludo ako sa mga tao sa CHERRY showroom along ortigas…

SO off we went, sa CATS ortigas kami lumipat para busisiin ang hayup na muscle car ng Ford ang “2008 Steve Mcqueen Mustang Bullet edition”, pag pasok parang garahe lang ng milyonaryong druglord, may 2 mustang, Porsche, expedition, navigator etc… pero isa lang ang pakay namin, ang sakyan at usisain ang 2008 Mustang bullet edition. Tanung tanung tanung, si mamang katiwala ( diko alam kung salesperson talaga or guard e, mukhang ordinaryong magtataho lang, pero nabilib kami ng tanungin na namin sa specs ng kotse, nampucha! para syang human brochure. Alam lahat!) pagkatapos naming busisain at sakyan ang P3M plus na muscle car, off we went to Porsche edsa… abangan…

it's good to be back!

After hibernating for over two years now, (Nakalimutan ko tuloy password ko sa luma kong blog) here I am again ready to share my irrelevant insights to everyone... Welcome to my BLOG, walang personalan, just sharing my thoughts to everyone... Enjoy guys!

To see my previous blog, just click the link below:
http://insightsfrommrtomato.blogspot.com/